The Komiks Generation

komiks 1

photo credit : video48.blogspot.com

Hindi matatawaran ang pamamayagpag ng komiks noong mga naunang dekada lalo na nung ’70s at ’80s.

Eto yata ang internet nang makalumang panahon sa ‘Pinas kung impluwensiya ang pag-uusapan.

Halos lahat ng cross-section ng lipunan ay tinangkilik  ito mula sa presidente hanggang sa pulubi. Maging mayaman o mahirap, matanda man o bata.

Ito kasi ang naging pinakamurang anyo ng libangan – mas mura sa sine at sa betamax.

Naabutan ko pa na sa halagang 0.25 sentimo ay makakaupa ka na sa mga sari-sari store.

At pwede mo ring upahan nang magdamagan para marami ang makabasa at isauli na lang kinabukasan. Mas marami pa ata akong nasaulong mga kwento at karakter sa komiks kesa sa mga libro namin nung elementarya.

Sa katunayan kilala ko pa sina Zuma, Darna, Captain Barbel at Panday hanggang ngayon. Eh samantalang hindi ko na maalala ang buong pangalan ng tatay ni Rizal o yung asawa ni Bonifacio.

Sa totoo lang ganun katindi ang naging papel ng komiks sa buhay ng mga pinoy lalo na yung nasa malalayong probinsya na kadalasan ay wala pang kuryente.

Kaya sa kawalan ng malilibangan ay nagtitiyaga sila sa gasera para lang masubaybayan ang mga kwentong pinakaaabangan.

kamagong

photo credit: komiklopedia.wordpress.com

Marami ring natulungan ang industriya ng komiks.

Siyempre ay ang mga manunulat at mangguguhit (dibuhista) na ang ilan pa nga ay sumikat hindi lang dito sa atin kundi maging sa ibang bansa.

Sino ba ang makakalimot kina Carlo J. Caparas, Pablo S. Gomez, Mars Ravelo, Nerisa Cabral, Elena M. Patron, Gilda Olvidado, Hal Santiago, Jim Fernandez, Mar T. Santana, Helen Meriz, Estelita Adriano, Joey & Louie Celerio, F.C. Javinal, Rico Rival, Karl Comendador, Vicatan at marami pang iba na sa kasalukuyan ay di ko na maalala.

At maliban dito ay nakinabang din ang industriya ng showbiz. Hindi mabilang na mga nobela at kwento sa komiks ang nabigyang buhay sa pinilakang tabing.

Ilan sa kanila ay pinagtampukan nina FPJ ( Panday, Totoy Bato, Santo Domingo etc.), Dolphy (Black Magic, Max  en Jess),Nora ( Palengke Queen, Tinik sa Dibdib), Philip Salvador ( Ikasa mo, Ipuputok ko),  Lito Lapid (Kamagong), ( Vilma (Sinasamba Kita, Palimos ng Pag-ibig), Sharon (Bituing Walang Ningning, Pasan ko ang Daigdig), Maricel (Pinulot ka lang sa Lupa), at iba pa.

Totoong napakalaki ng pakinabang na nakuha namin mula sa pagbabasa ng komiks kahit na minsan ay ipinagbawal ito ng eskwelahan dahil nakakasira daw sa moralidad ng mga bata.

Ngunit ang totoo ay mas lalong yumabong ang imahinasyon ko dahil sa samu’t saring kwento na nabasa ko dito. Ang mga mundong hindi maabot nilakbay nito para sa akin.

Ang mga pangarap na mahirap matupad ay natupad ko sa mga pahinang nito.

Panday

photo credit: pinoysuperheroesuniverse.blogspot.com

Sayang nga lamang at unti-unting naglaho ang industriyang ito sa mga huling bahagi ng dekada ’80 dahil sa pagkawili ng tao sa mga bagong medium tulad ng telebisyon, betamax at kalaunan ay internet.

Kung alam ko lang na tuluyan na itong mawawala sana ay naitago ko ang lahat ng koleksiyon namin noon na karaniwan ay nauwi bilang panggatong sa kusina o sa ilalim ng kasilyas.

Mahirap na sigurong ibalik pa ang komiks pero ito ay mananatili sa aking alaala ng kamusmusan.

Advertisements

3 thoughts on “The Komiks Generation

  1. I can remember renting at Bulletin store in plasa. And we have a neighbor who rents their komiks to the nearby residents.

    Do you remember the pocket komiks – Action and Ninja series? PHP1.50 lang ata yun dati.

    Komiks taught me how to read in Filipino.

    It’s interesting how the comic book industry in the US survived even with the high internet connectivity.

    Like

    • first, thanks for dropping by!
      It’s obvious we were really from the same generation.

      Who will forget those pocket komiks you mentioned, plus Samurai, Shogun and Commander?
      Mas inuuna ko pa siyang buklatin dati kaysa sa mga assignments ko 🙂
      Sayang talaga yung industry ng komiks dati. Napabayaan talaga because we treat those pieces as a simple disposable read.

      Now I realized, it could have been a literary treasure!

      I have read there are a few artist and afficionados who’ve tried to revive the industry a few years back, but I don’t think it will ever reclaim again its golden era like it did in the previous decades.

      thanks.

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s